Alehandriya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Alehandriya, Alexandria o Iskanderiya(اسكندريه, bigkas sa Arabe: [eskendeˈrejjæ]) [ see other names] ang ikalawang pinakamalaking siyudad ng Ehipto na may populasyong 4.1 milyon, at matatagpuan mga 32 km (20 mi) sa kahabaan ng Dagat Mediterraneo sa sentral na bahagi ng hilagang Ehipto. Ipanangalan ito kay Alehandro ng Makedonia, ang mananakop at mandirigmang griyego (na kilala din sa ngalang Aleksandr, atb.) na nagtatag ng sentrong pangkultura sa nasabing lugar. Ang Iskanderiya ang pinakamalaking siyudad na nasa baybayin ng Mediteranéo at ang pinakamalaking pantalán ng Ehipto, na nagseserbisyo sa tinatayang mga 80% ng mga inaangkat at niluluwas na mga kalakal ng bansa. Isang mahalagang sentrong pang-industriya ang siyudad dahil sa langis at petrolyong gaas nito at sa linyang pantubo ng langis mula sa Suez. Isa ring mahalagang sentrong pang-turismo ang siyudad dahil sa mga naggagandahang beach o playa sa mga parteng nasa baybay-dagat ng Mediteranéo, bukod pa sa mga makasaysayang tourist spot na dinarayo rin taun-taon. Nanatiling kabisera ng Ehipto ang Iskanderiya sa loob ng halos isang libong taon hanggang sa pananakop na Muslim ng Ehipto noong 461 Panahong Kasalukuyan (461 PK) nang ang bagong kabisera ay itinatag sa Fustat na kalauna'y naging sa Cairo. Ang Sinaunang Iskanderiya ay nakilala sa Parola ng Iskanderiya na isa sa mga Seven Wonders ng sinaunang daigdig; sa Aklatan ng Iskanderiya na pinakamalaking aklatan sa sinaunang daigdig ngunit pinalitan na ngayon ng moderong Biblioteka Iskandera at ang mga Libingan ng Kom el Syokapa. Ang patuloy na pagsisiyasat ng mga arkeologo sa pantalán ng Iskanderiya na nagsimula noong 1994 ay naging susi sa lalo pang pagkaunawa ng mga dalubhasa sa syudad at sa mga naninirahan dito bago at pagkatapos ng pagdating Iskandár. Lumitaw sa pagsasaliksik na nakilala ang siyudad na Rakotis (na ang ibig-sabihin sa Kopto ay pinagtatagan) sa panahon ng Dinastiyang Toliméo. Mula sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Iskanderiya ay naging isang pangunahing sentro ng internasyon na industriya ng pagbabarko at isa sa pinakamahalagang mga sentro ng kalakalan sa mundo na parehong dahil sa ito ay nakinabang mula sa madaling koneksiyong panlupa sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Dagat Pula at sa lukratibong kalakalan ng bulak na Ehipsiyo.
Alehandriya الإسكندريةة (sa Arabe) | |||
---|---|---|---|
| |||
Palayaw: Perlas ng Mediteranéo | |||
Mga koordinado: 31°12′N 29°55′E | |||
Country | Egypt | ||
Governorate | Alexandria | ||
Founded | 331 BC | ||
Pamahalaan | |||
• Governor | Abdelrahman Hassan | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,679 km2 (1,034 milya kuwadrado) | ||
Taas | 5 m (16 tal) | ||
Populasyon (2012) | |||
• Kabuuan | 4,532,174 | ||
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+2 (EST) | ||
Postal code | 21500 | ||
Kodigo ng lugar | (+20) 3 | ||
Websayt | Official website |