Dagat
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dagat ay isang malaking lawas ng maalat na tubig na ang nakadugtong ay karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan.