Epikureismo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang epikureismo (Espanyol: epicureísmo; Ingles: epicureanism) ay isang paniniwalang ibinunsod ni Epikurus na naghahangad ng kalayaan mula sa kirot, sakit, at ligalig ng damdamin. Nagtatakwil ang mga epikuro o epikureano ng paniniwalang may kabilang buhay at nagtatakwil din sila ng pagsaklaw ng mga bathala o mga diyos sa buhay ng mga tao.[1] Sa pagtuturo ni Epikurus, ang kasiyahan ang pinakamataas na mabuti o kabutihan sa buhay.[2] Subalit naging tumutukoy naman din ang salitang epikureano sa pagiging maluho, marangya, o mahilig sa masasarap na alak o pagkain at maalwang pamumuhay, naging katumbas din ng salitang hedonistiko, o angkop sa panlasa ng isang taong epikuro.[1]