Gusali ng Pamantasan ng Genova
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gusali ng Pamantasan ng Genova (Palazzo dell'Università di Genova) o ex Collegio dei Gesuiti di Genova (dating Kolehiyong Heswita ng Genova) ay isang gusaling matatagpuan sa via Balbi, 5 sa Genova, na naging upuan ng Heswitang Kolehiyo mula noong 1640 at ng Pamantasan ng Genova mula noong 1775. Dahil sa arkitektura nito at sa maraming gawa ng sining na nasa loob nito, isa ito sa mga pinakadakilang halimbawa ng Barokong Genoves.