Kapuluang Britaniko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Huwag ikalito sa Mga Pulong Britaniko.
Ang Kapuluang Britaniko (Ingles: British Isles) ay isang kapuluang matatagpuan sa hilagang-kanluraning baybayin ng lupain ng Europa na binubuo ng malalaking pulo ng Gran Britanya at ng Irlanda, at ng higit pa sa anim na libong maliliit na pulo.