Kim Jong-il
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Kim Jong-il (Pebrero 16, 1941 – Disyembre 17, 2011), ipinanganak na Yuri Irsenovich Kim, ay isang Koreanong politiko na naging ikalawang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Namahala siya sa bansa mula nang pumanaw ang kanyang ama na si Kim Il-sung noong 1994 hanggang sa kanyang sariling pagkamatay noong 2011, kung kailan hinalinhan siya ng kanyang bunsong lalaking anak na si Kim Jong-un. Naglingkod siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea at Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa.
Dakilang Mariskal ng Republika Walang Hanggang Pinuno ng Juche Korea Kim Jong-il | |
---|---|
김정일 | |
Ika-2 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea | |
Nasa puwesto 8 Oktubre 1997 – 17 Disyembre 2011 | |
Nakaraang sinundan | Kim Il-sung (sa Komite Sentral) |
Sinundan ni | Kim Jong-un (bilang Unang Kalihim) |
Ika-2 Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa | |
Nasa puwesto 9 Abril 1993 – 17 Disyembre 2011 | |
Unang Pangalawang Tagapangulo | O Jin-u Jo Myong-rok |
Pangalawang Tagapangulo | Choe Kwang Kim Il-chol Ri Yong-mu Yon Hyong-muk Kim Yong-chun O Kuk-ryol Jang Song-thaek |
Nakaraang sinundan | Kim Il-sung |
Sinundan ni | Kim Jong-un (bilang Unang Tagapangulo) |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | Yuri Irsenovich Kim Юрий Ирсенович Ким 16 Pebrero 1941(1941-02-16) Siberya, Unyong Sobyetiko |
Namatay | 17 Nobyembre 2011(2011-11-17) (edad 70) Pyongyang, Hilagang Korea |
Himlayan | Palasyong Araw ng Kumsusan |
Partidong pampolitika | Partido Manggagawa ng Korea |
Asawa |
|
Domestikong kapareha |
|
Anak | Kim Hye-kyung Kim Jong-nam Kim Sol-song Kim Jong-chul Kim Jong-un Kim Yo-jong |
Magulang | Kim Il-sung (ama) Kim Jong-suk (ina) |
Alma mater | Pamantasang Kim Il-sung |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Hilagang Korea |
Sangay/Serbisyo | Hukbong Bayan ng Korea |
Taon sa lingkod | 1991–2011 |
Ranggo | Taewŏnsu (대원수) Dakilang Mariskal |
Atasan | Kataas-taasang Komandante |
Ika-2 Kataas-taasang Pinuno ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea |
Inihanda si Kim bilang eredero ng kanyang ama noong dekada 1980 sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanya sa mga mahahalagang posisyon sa hukbo at partido. Tuluyan niyang pinalitan ang kanyang tatay kasunod ng pagkasawi nito noong 1994 dahil sa atake sa puso. Nagmana siya ng kapangyarihan sa panahon ng pagbuwag ng Unyong Sobyetiko, kung saan lubos umasa ang bansa para sa pangangalakal ng pagkain at iba pang panustos, at dahil dito'y nagdulot ito ng malawakang taggutom. Bagaman natapos ito sa katapusan ng ika-20 dantaon, patuloy na naging suliranin ang kakulangan ng pagkain sa panahon ng kanyang panunungkulan. Pinalakas niya ang tungkulin ng militar sa pamamagitan ng kanyang patakaran na Songun, na ginawa itong sentral na tagapag-ayos ng lipunang sibil. Lubos niyang pinalawak ang kulto ng personalidad ng kanyang pamilya.
Tulad ng kanyang ama, itinuturing si Kim na isang totalitaryong diktador. Kolokyal siyang tinatawag na "Mahal na Pinuno" at isinadambana siya sa konstitusyon mula 2012 hanggang 2016 bilang "Walang Hanggang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa" at "Walang Hanggang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea". Sinasalaysay sa pang-estadong propaganda na isinilang siya sa isang lihim na kampong militar sa Bundok Paektu, isang tradisyonal na sagradong bundok sa Koreanong mitolohiya, at ipinagdidiriwang ang kanyang kaarawan sa Pebrero 16 na pormal na kinikilala bilang "Araw ng Talang Nagniningning". Noong namamahala pa siya ay inihanda niya ang kanyang bunsong lalaking anak na si Kim Jong-un upang humalili sa kanya, na naganap nang siya'y namatay noong 2011.