Sinag gamma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga silahis gamma, tinatawag ding sinag gamma, aninag gamma, banaag gamma, liwayway gamma, alinagnag gamma, bakas-rayang gamma, o rayos gamma (Ingles: gamma ray o γ-ray) ay mga alon o daluyong na elektromagnetiko na may pinakamaliit na liboyhaba sa ispektrong elektromagnetiko.[1] Natuklasan ito ni Paul Villard noong 1900, at pinangalanan ni Ernest Rutherford noong 1903.
Ang mga rayong gamma ay nagagawa ng ilang mga uri ng mga atomong radyoaktibo. Katulad ang mga ito ng mga rayos ekis. Kapwa mga poton ang rayos gamma at mga rayos ekis na may napakataas na mga enerhiya. Ang rayong gamma ay isa ring uri ng radyasyon. Nakapaglalakbay ang sinag gamma papasok sa makakapal na mga materyal.
Ang kobalt-60 at potasyo-40 ay dalawang mga isotopong naglalabas ng sinag gamma. Nalilikha ang kobalt-60 sa loob ng mga akselerador at ginagamit sa mga ospital. Likas ang pagkakaroon ng potasyo-40. Nasa lahat ng mga halaman at mga hayop ang maliliit na mga dami ng potasyo-40. Bawat isang mga sinag gamma mula sa potasyo-40 ay may enerhiyang 1460 libong boltaheng elektron (keV).
Ang mga sinag gamma at rayos ekis ay pangkasalukuyang napagkakaiba sa pamamagitan ng kanilang pinanggalingan: ang mga rayos eksi ay binubuga ng mga elektron sa labas ng nukleo, habang ang mga sinag gamma ay ibinubuga ng nukleo.[2]