Talaan ng mga kabansaan
From Wikipedia, the free encyclopedia
, Ito ang talaan ng mga nasyonalidad o kabansaan na tumutukoy sa mga katawagan sa mga mamamayan ng mga bansa. Hindi ito nagpapahiwatig na ito nga ang opisyal na katawagan sa mga taong ito ng mga bansa, sa halip mga mungkahi lamang ang mga ito sapagkat wala pang sapat na mga sanggunian hinggil dito. Karamihan sa mga ito ang isina-Tagalog sa pamamagitan ng pagbatay sa gabay na maka-ortograpiyang nilahad ng Komisyon ng Wikang Filipino o hiniram ngunit Tinagalog na mga bersiyon batay sa anyong Ingles, Kastila, o mula sa paggamit sa mismong bansa. Isinasaad rito kung mayroong tuwirang ginagamit na sa Tagalog kasama ang sangguniang pinagkunan. Karaniwang tumutukoy rin o ginagamit din, bilang pandiwa, ang pangalan ng mga mamamayan sa anumang bagay na nagmumula sa bansang tinutukoy. Ibinibigay din sa talaang ito ang lahat ng mungkahing baybay at bersiyong katawagan para sa mga mamamayan ng bansa. Kung walang magagamit na tuwirang katawagang pang-nasyonalidad, nilagyan ang pangalan ng bansa ng taga- sa unahan nito, ngunit dapat lamang tandaang hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay may nasyonalidad ng naturang bansa sapagkat maaaring doon lang sila nakatira ngunit kabilang pa rin sa ibang nasyonalidad. Sa pahinang ito, tumutukoy ang mga salitang may taga- para sa mga taong kabilang sa kabansaan ng isang nasyon. Hinggil sa mga artikulong pangnasyonalidad, maaaring tumuro ang katawagan sa bansang pinagmulan ng mamamayan o kaya sa mismong natatanging artikulo tungkol sa mismong mga mamamayan. Sumusunod sa gawing may pagtatapos na -nes, -nesa, -no, at -na, maliban na lamang kung may partikular na naiibang at natatanging baybay ang karamihan sa mga katawagang pangmamamayan ng bansa. Karaniwang ginagamit din ang katawagang panlalaki para sa magkakasama o magkakahalubilong mga lalaki at babae. Para sa mga tala ng mga bansa, tingnan ang talaan ng mga bansa.