Talahanayang peryodiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang talahanayang peryodiko (Español: tabla periódica, Ingles: periodic table), kilala rin bilang talahanayang peryodiko ng mga elemento(ng kemikal), ay isang talahanayang pagkakaayos sa mga elementong kemikal. Karaniwan itong ginagamit sa kimika, pisika, at iba pang mga agham, at madalas ituring na isang aykon ng kimika. Ito'y isang grapikong pormulasyon ng batas peryodikong nagsasaad na ang mga elementong nakatala ayon sa atomikong bilang ay naihahanay sa pabalik-balik na mga grupo, at iyong may magkakatulad na katangiang kemikal ay dumadatal sa regular na interbal.
Ito'y idinisenyo ni Dimitri Mendeleyev noong 1869. Noong una'y iniayos niya ang mga elemento ayon sa atomikong timbang upang mapagmasdan ang kanilang mga katangian. Sa ngayon, iniaayos na ang mga ito ayon sa atomikong bilang. Kabilang din sa makikita sa talahanayan ang atomikong simbolo at elektronegatibidad ng mga elemento.
Makikita sa talahanayang peryodiko ang mga karaniwang rekisito hinggil sa mga elemento. May iba't ibang paraan ng pagpapakita ng listahan ng mga elemento nang sa gayo'y maayos na matunghayan ang kanilang mga katangian.