Tonlé Sap
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tonlé Sap (Khmer: ទន្លេសាប IPA: [tunleː saːp], literal na "Malaking Ilog ng Tubig na Tabang", ngunit karaniwang sinasalin bilang "Dakilang Lawa") ay isang pinagsamang sistema ng lawa at ilog na may malaking halaga sa bansang Cambodia.
Tonlé Sap | |
---|---|
Larawan mula sa satelayt ng NASA | |
Koordinado | 12°53′N 104°04′E |
Pangunahing nilalabasan | Ilog Tonle Sap |
Mga bansang lunas | Cambodia |
Lawak | 2,700 km² (karaniwan) 16,000 km² (habagat) |
Pinakamalaking lawang may tubig na tabang sa buong Timog-silangang Asya ang Tonlé Sap, at isa itong sentro ng ekolohiya na dineklarang biyospero ng UNESCO noong 1997.[1]
May dalawang 'di-karaniwang katangian ang Tonlé Sap: una, bumabago ang daloy ng tubig nito dalawang beses sa isang taon, at pangalawa, lubhang lumalaki at lumiliit ang bahagi ng ilog na binubuo ang lawa habang lumilipas ang panahon. Mula Nobyembre hanggang Mayo, ang panahon ng tagtuyot sa bansa, umaagos ang Tonlé Sap patungo sa Ilog Mekong sa Phnom Penh. Gayunpaman, sa simula ng tag-ulan pagdating ng Hunyo, bumabara ang Tonlé Sap hanggang bumuo ito ng malaking lawa.