cover image

Banal na Imperyong Romano

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang Banal na Imperyong Romano o Imperyo Romanong Banal (Ingles: Holy Roman Empire o HRE; Aleman: Heiliges Römisches Reich (HRR), Latin: Sacrum Romanum Imperium (SRI)) ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.

Quick facts: Banal na Imperyong Romano[1] Sacrum Romanum I...
Banal na Imperyong Romano[1]

Sacrum Romanum Imperium
Heiliges Römisches Reich
962–1806
Watawat ng  Banal na Imperyong Romano
Watawat
Iskudo ng Banal na Imperyong Romano
Iskudo
Awiting Pambansa: Wala
Mapa ng Imperyo ng pinakamalaki nitong sakop noong ika-15 siglo, kasama ang hangganan ng kasalukuyang mga bansa.
Mapa ng Imperyo ng pinakamalaki nitong sakop noong ika-15 siglo, kasama ang hangganan ng kasalukuyang mga bansa.

KatayuanImperyo
KabiseraWala
Karaniwang wikaLatin, Hemaniko, Romansa at Slabikong diyalekto
Relihiyon
Romano Katolisismo; Protestantismo (opisyal na kinilala ng Imperyo dahil sa Kapayapaan sa Augsburg noong 1555) at Kalbinismo (opisyal na kinilala dahil sa Kapayapaan sa Westphalia nong 1648.)
PamahalaanHinahalal na monarkiya
Emperor 
 962–973
Otto I (first)
 1792–1806
Francis II (last)
LehislaturaReichstag
PanahonGitnang Panahon
 Pinutungan ng korona si Otto I
    Emperador ng Italya
Pebrero 2, 962 AD 962
 Naluklok si Conrad II
    sa korona ng Burgundy
1034
 Kapayapaan sa Augsburg
1555
 Kapayapaan ng Westphalia
24 Oktubre 1648
 Binuwag
1806
Pinalitan
Pumalit
Karl_der_Gro%C3%9Fe_800.jpg Francia
Ludwig_der_Deutsche.jpg Silangang Francia
Lumang Kumpederasyong Suwiso Flag_of_Switzerland.svg
Republikang Olandes Prinsenvlag.svg
Kumpederasyon ng Rino Blank.png
Imperyong Awstriyano Flag_of_the_Habsburg_Monarchy.svg
Unang Imperyong Pranses Flag_of_France.svg
Kaharian ng Italya Flag_of_the_Napoleonic_Kingdom_of_Italy.svg
Kaharian ng Prusya Flag_of_the_Kingdom_of_Prussia_%281803-1892%29.svg
Nagkakaisang Estado ng Belhika Flag_of_Belgium_%281830%29.svg
Pamunuan ng Liechtenstein Flag_of_Liechtenstein_%281719%E2%80%931852%29.svg
Bahagi ngayon ngFlag_of_Germany.svg Alemanya

Flag_of_Austria.svg Awstriya
Flag_of_Belgium_%28civil%29.svg Belhika
Flag_of_Croatia.svg Croatia
Flag_of_Italy.svg Italya
Flag_of_Liechtenstein.svg Liechtenstein
Flag_of_Luxembourg.svg Luxembourg
Flag_of_the_Netherlands.svg Olanda
Flag_of_France.svg Pransiya
Flag_of_Poland.svg Polonia
Flag_of_the_Czech_Republic.svg Republikang Tseko
Flag_of_Slovenia.svg Slovenia


Flag_of_Switzerland.svg Suwisa
Close

Unang ginamit ang pariralang Sacrum Imperium noong 1157, sa panahon ni Frederick Barbarossa (1122-1190) habang ang Sacrum Imperium Romanum naman ay lumitaw lamang 1184, at may kaukulang pamantayan na gagamitin lamang hanggang 1254. Nadagdag lamang ang bahaging Nationis Germanicae (Bansang Aleman) noong ika-15 siglo. Sa pagtagal ng panahon, lumawak ang nasasakupan ng Imperyo kung saan napabilang ang maraming bansa sa gitna at katimugang Europa, gaya ng Kaharian ng Alemanya, sa Kaharian ng Italya, at sa Kaharian ng Borgonya; mga teritoryong hawak ng kasalukuyang Alemanya (maliban sa Katimugang Schleswig), Austria (maliban sa Burgenland), Liechtenstein, Swisa, Belhika, ang Netherlands, Luxembourg, Republikang Czech, Slovenia (maliban sa Prekmurje), mga mahahalagang bahagi ng Pransiya (Artois, Alsace, Franche-Comté, Savoie at Lorraine), Italya (Lombardy, Piedmont, Emilia-Romagna, Tuscany, at Timog Tyrol) at Polonia (Silesia, Pomerania, at Neumark). Sa buong kasaysayan ng Imperyo ito ay hinati-hati lamang sa maliliit na mga prinsipalidad, mga dukado, mga kondehan, mga Malayang Siyudad ng Imperyo at iba pang maliliit na yunit. Bagamat tinataglay nito ang pangalang Romano, kailanman ay hindi napabilang ang siyudad ng Roma sa Imperyo. Ang lungsod ng Roma noong panahong yaon ay kontrolado ng Santo Papa.

Dahil sa pagpasok ng malakihang pagbabago at pagiging moderno ng Europa noong mga huling bahagi ng ika-16 at ika-17 siglo, halos lumiit ang kakayahan ng Imperyo na maglunsad ng mga opensiba at digmaan upang lalo pang mapalawak ang teritoryo nito. Kaya naman sa mga panahong ito, mas binigyang-pansin ng Imperyo ang pagtatanggol sa pansarili nitong batas at pagpapatupad ng kapayapaan sa nasasakupan. Upang mapanatili ito sa kapangyarihan at bilang paglalaro sa kakayahan ng pansariling interes, binigyan ng Imperyo ng proteksiyon ang mangilan-ngilang mga prinsipe at panginoon kasabay ng pagbibigay-diin sa maliliit na pagsuway sa kautusan ng Imperyo. Noong 1648, ang mga teritoryo at kaharian sa paligid ng Imperyo ay unti-unting napabilang sa tinatawag na estado ng Imperyo (imperial states), kung saan napanatili nito ang kapayapaan sa mahabang panahon.

Noong pumasok ang ika-18 siglo, lumakas ang kapangyarihan ng ibang bansa sa labas ng Imperyo, kung saan hindi na nito kaya pang protektahan ang mga estado nito buhat sa palisiya at impluwensiya ng mga ibang kaharian. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyo. Dahil sa mga pananakop ng digmaang Napoleoniko at kaalinsabay na pagtatatag ng Kumpederasyon ng Rino, unti-unti nang bumaba ang kapasidad ng Imperyo na pamunuan ang iba pang mga estado. Noong 6 Agosto 1806, opisyal na bumagsak ang Imperyo nang maghain ng pagbaba sa trono ng huling emperador na si Francis II.