![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/be/JR_Central_Chuo_Line.svg/langtl-640px-JR_Central_Chuo_Line.svg.png&w=640&q=50)
Pangunahing Linyang Chūō
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pangunahing Linya ng Chūō (中央本線, Chūō-honsen), kadalasang tinatawag na Linyang Chūō, ay isa sa mga pangunahing linyang daangbakal sa Japan. Kinokonekta nito ang Tokyo at Nagoya, kahit na ito ang pinakamabagal na daangbakal na may direktang koneksiyon sa dalawang lungosd; ang nasa baybayin na Pangunahing Linya ng Tōkaidō ay mas mabilis kaysa sa linyang ito, at ang Tōkaidō Shinkansen ay ang pinakamabilis na konekta sa dalawang lungsod.
Linyang Chūō 中央本線 | |||
---|---|---|---|
![]() | |||
![]() Isang seryeng 211-5000 sa Linyang Chūō | |||
Buod | |||
Uri | Pampasahero/Kargo Rehiyonal na daangbakal | ||
Lokasyon | Tokyo, Prepektura ng Kanagawa, Yamanashi, Nagano, Gifu at Aichi | ||
Hangganan | Tokyo Nagoya | ||
(Mga) Estasyon | 112 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1889 | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East, JR Central | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 424.6 km (263.8 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC Overhead lines | ||
Bilis ng pagpapaandar | 130 km/h (80 mph)* | ||
|
Pinapatakbo ang silangang bahagi, ang Silangang Linya ng Chūō (中央東線, Chūō-tōsen), ng East Japan Railway Company (JR East), samantalang pinamamahalaan naman ang kanlurang bahagi, ang Kanlurang Linya ng Chūō (中央西線, Chūō-saisen), ng Central Japan Railway Company (JR Central). Makikita ang punto ng paghahati sa pagitan ng dalawang kompanya sa Estasyon ng Shiojiri, na kung saan ang mga ekspres na tren mula sa dalawang namamahala ay nagpapatuloy mula sa Linyang Shinonoi papunta sa mga lungsod ng Matsumoto at Nagano. Kumpara sa mga malalaking lugar sa dalawang dulo ng Linyang Chūō, hindi masyadong nagagamit ang kalagitnaang bahagi ng linya; ang koridor ng Shiojiri-Nakatsugawa ay sineserbisyohan lamang ng isang lokal at limitadong ekspres na tren kada oras.[1]
Dumadaan ang Pangunahing Linya ng Chūō sa bulubunduking sentro ng Honshu. Ang pinakamataas na punto (malapit na Estasyon ng Fujimi) ay may taas na 900 metro na mas mataas sa lebel ng dagat at karamihan sa linya ay may gradwasyon lamang na 25 kada milyon (2.5% o 1 sa 40). Sa bahagi ng Silangang Linya ng Chūō, makikita ang itaas na bahagi ng Bulubunduking Akaishi at Kiso kasama na rin ang Bundok Yatsugatake. Katabi lamang ng Kanlurang Linya ng Chūō ang Nakasendō highway (na kilala sa pinatiling bayan ng Tsumago-juku at Magome-juku) at ang Lambak Kiso.