![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/41/Flag_of_Normandie.svg/langtl-640px-Flag_of_Normandie.svg.png&w=640&q=50)
Dukado ng Normandia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dukado ng Normandia (Pranses: Duché de Normandie; Ingles: Duchy of Normandy) ay minana mula sa iba't ibang mga paglulusob ng mga Danes, Norwego, Hibernonoruego, Bikinggong Orcado at ng mga Anglodanes sa Pransiya noong ikawalong siglo.[1] Ang isang piyuda, malamang ay bilang isang kondado, ay nilikha ng Tratado ng Saint-Clair-sur-Epte noong taong 911 galing sa mga kahandugan ni Haring Carlos, at ibinigay kay Rolyon, ang pinuno ng mga Bikinggo na kilala bilang mga Northmen (o sa Latin, Normanni).
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/41/Flag_of_Normandie.svg/640px-Flag_of_Normandie.svg.png)
Ang pang-uring may-kinalaman sa Dukado ng Normandia (ngunit hindi ginagamit para sa pangkasalukuyang bagay-bagay) ay tinaguriang Normando/a (Ingles: Norman). Samantala, ang tinatawag na wikang Normando (Pranses: langue normand) ay isang nagtatanging wika na kapamilya ng Pranses.