Dusambe
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dushanbe (Tayiko: Душанбе, IPA: [duʃæmˈbe]; nangangahulugang Lunes sa Persyano[2][3][4][5], Ruso: Душанбе, tr. Dushanbe) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Tajikistan. Pinangalan ang lungsod sa ganitong paraan dahil lumaki ito mula sa isang nayon na may isang sikat na palengke tuwing Lunes noong una. Noong 2016, may populasyon ang Dushanbe ng 802,700.
Agarang impormasyon Dushanbe Душанбе, Bansa ...
Dushanbe Душанбе | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 38°34′23″N 68°47′11″E | ||
Bansa | Tayikistan | |
Lokasyon | Tayikistan | |
Itinatag | 17th dantaon | |
Ipinangalan kay (sa) | Lunes | |
Pamahalaan | ||
• alkalde | Rustam Emomali | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 124,600,000 km2 (48,100,000 milya kuwadrado) | |
Populasyon (1 Enero 2020)[1] | ||
• Kabuuan | 863,400 | |
• Kapal | 0.0069/km2 (0.018/milya kuwadrado) | |
Kodigo ng ISO 3166 | TJ-DU | |
Plaka ng sasakyan | 01 | |
Websayt | http://www.dushanbe.tj/ |
Isara
Isang maliit na nayon sa kasaysayan, ginawang kabisera ang Dushanbe ng Awtonomong Republikang Sosyalistang Sobyet ng Tajik noong 1924. Hanggang 1929, nakilala ang lungsod sa Ruso bilang Dyushambe (Ruso: Дюшамбе, Dyushambe), at mula 1929 hanggang 1961 bilang Stalinabad (Tayiko: Сталинобод, Stalinobod), na ipinangalan kay Joseph Stalin.