Monarkiyang Hapon simula 1868 hanggang 1947 From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyo ng Hapon (大日本帝國 Dai Nippon Teikoku, literal na "Dakilang Imperyong Hapones")[4] ay isang makasaysayang Hapones na lungsod-estado na umiral mula sa panahon ng Panunumbalik ng Meiji noong 1868 hanggang sa pagsasabatas ng 1947 na saligang batas ng makabagong Hapon.[5]
Imperyo ng Hapon Dakilang Imperyong Hapones | |||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1868–1947 | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Salawikain: 八紘一宇 "Hakko ichiu" "Ang buong mundo sa ilalim ng isang bubong" | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Kabisera | Tokyo | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Hapones | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Relihiyon | De jure: wala De facto: espousing Shintoismo Iba: Budismo | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Pamahalaan | Daijō-kan[1] (1868–1885) Monarkiyang konstitusyonal (1890–1947)[2] Isang partidong diktadurang militar (1940–1945) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Emperador | |||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1868–1912 | Meiji (Mutsuhito) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1912–1926 | Taishō (Yoshihito) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1926–1947 | Shōwa (Hirohito) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Punong Ministro | |||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1885–1888 | Itō Hirobumi (una) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1946–1947 | Shigeru Yoshida (huli) | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Lehislatura | Imperial Diet | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Mataas na Kapulungan | House of Peers | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Panahon | Meiji, Taishō, Shōwa | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Enero 3 1868[3] | |||||||||||||||||||||||||||||||||
• Pagbabagong prepektura | 29 Agosto 1871 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Konstitusyong Meiji | 29 Nobyembre 1890 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Kasunduang Tripartite | 27 Setyembre 1940 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Taisei Yokusankai | 12 Oktubre 1940 – 13 Hunyo 1945 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Pagsuko ng Hapon | Agosto 14 1947[2] | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• Kagamitan ng Pagsuko ng Hapones signed | 2 Setyembre 1945 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||||||||||||||||||
1,984,000 km2 (766,000 mi kuw) | |||||||||||||||||||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1920 | 77,700,000a | ||||||||||||||||||||||||||||||||
• 1940 | 105,200,000b | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Salapi | Yen ng Hapon Yen ng Korea Yen ng Taywan Hukbong Yen ng Hapon | ||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||
Bahagi ngayon ng |
Ang mabilis na industriyalisasyon at militarisasyon ng Imperyo ng Hapon sa ilalim ng salawikain na Fukoku Kyōhei (富国強兵, "Pagyamanin ang Bansa, Pagtibayin ang Hukbo") ay humantong sa pag-usbong nito bilang isang dakilang kapangyarihan at ang pagtatag ng imperyong kolonyal. Ang mga ekonomiya at pampulitikang kaguluhan sa dekada '20 ay nagtulak sa paglaganap ng militarismo, na kalaunan ay hahantong sa pagkasapi ng Hapon sa Kapangyarihang Aksis at ang pananakop ng malaking bahagi ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Matapos ang ilang mga malalakihang tagumpay ng militar noong Ikalawang Digmaang Sino-Hapones (1937–1945) at sa Digmaang Pasipiko, kinilala ang Imperyo para sa mga krimen ng digmaan nito laban sa mga taong sumakop nito.
Ang makasaysayang estado ay madalas tinutukoy bilang "ang Imperyo ng Hapon" o "ang Imperyong Hapones" o "Imperyal na Hapon". Sa Hapones, ito ay tinutukoy bilang Dai Nippon Teikoku (大日本帝國),[4] na naisasalin sa "Dakilang Imperyong Hapones" (Dai "Dakila", Nippon "Hapones", Teikoku "Imperyo").
Matapos ang dalawang siglo, ang patakaran ng pag-iisa, o Sakoku, sa ilalim ng mga shogun ng panahon ng Edo ay nagtapos noong ang bansa ay pinilit magbukas upang makipagkalal ng Kumbensiyon ng Kanagawa sa 1854.
Ang mga sumunod na taon ay nakakita ng nadagdagan na kalakalang panlabas at pakikipag-ugnayan; mga tratadong komersyal sa pagitan ng kasugunan ng Tokugawa at mga Kanluraning bansa ay nalagdaan. Malaking bahagi dahil sa kahiya-hiyang mga tuntunin ng Mga 'Di Pantay na Tratado, ang Kasugunan ay humarap sa panloob na poot, na kung alin ay naging isang kilusan na radikal at may pagsuklam at takot sa mga dayuhan, ang sonnō jōi (literal na "Igalang ang Emperador, palayasin ang mga barbaro").[6]
Noong Marso 1863, ang "kautusan upang palayasin ang mga barbaro" ay inihayag. Bagaman walang intensiyon ang Kasugunan na ipatupad, ito ay gayunpaman nag-udyok ng mga pagsalakay laban sa Kasugunan mismo at laban sa mga banyaga na nasa Hapon. Ang Pangyayari ng Namamugi noong 1862 ay nahantong sa pagpaslang ng isang Ingles, si Charles Lennox Richardson, ng isang grupo ng mga samurai mula sa Satsuma.
Ang Boshin War (戊辰戦争 Boshin Sensō) ay naganap sa pagitan ng Enero 1868 at Mayo 1869. Ang alyansa ng mga samurai mula sa katimugan at kanluraning mga lupain at mga opisyal ng korte ay nakapagtamo ng pakikipagtulungan ng batang Emperador Meiji, na iniutos ang paglusaw ng dalawang-daang-taong Kasugunan ng Tokugawa.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.