Sarihay

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sa larangan ng biyolohiya, ang sarihay (Ingles: species) ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusespesye ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga sarihay sa mga kubsarihay ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

Biological_classification_L_Pengo_vflip.svgDomainKingdomClassOrderFamily
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Kung minsan, ang mga pangalan na pangkaraniwang ginagamit para sa mga halaman at hayop ay umaayon sa mga sarihay nito: halimbawa na ang “liyon”, “kambing”, at “puno ng mangga, na mga katawagang tumutukoy sa mga sarihay. Sa ibang mga kaso, ang mga pangalan ay hindi tumutukoy sa mga sarihay: katulad ng “usa” na tumutukoy sa pamilyang may 34 na mga sarihay, katulad ng usa ni Eld, pulang usa, at wapiti (isang elk). Dating itinutespesyeng na nakapaloob sa iisang sarihay ang dalawang huli, na nagpapakita lamang na maaaring mabago ang hangganan ng pag-uespesye sa pamamagitan ng mga karagdagang kaalamang pang-agham.

Inilalagay ang bawat sarihay sa loob ng isang genus. Isa itong hipotesis na ang isang sarihay ay higit na mas malapit sa iba pang mga sarihay sa loob ng kaniyang sariling sari kung ihahambing sa sarihay ng ibang genus. Binigyan ng dalawahang pangalan ang lahat ng mga sarihay na nalalangkapan ng pangalang pampamilya at tiyakang pangalan. Halimbawa na ang “Tilapiine cichlid” (na karaniwang tinatawag na “tilapya”).