Gazeta Wyborcza
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gazeta Wyborcza (Gasetang Panghalalan) ay isa sa mga pangunahing pahayagan sa Polonya, na itinatag noong 1989 bilang unang pahayagang itinatag sa kasaysayan ng Republikang Popular ng Polonya na hindi hawak ng Partido Komunista ng Polonya. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking pahayagan sa Polonya, at sinusuportahan nito ang mga liberal na asal.
Nasa Warsaw ang punong tanggapan nito.