cover image

Kolatkolat

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang kolatkolat, funggus[3] o halamang-singaw[4] na binabaybay ding halamang singaw,[5] (Ingles: fungus [isahan], fungi [maramihan][6]) ay isang uri ng organismong nabubuhay na hindi halaman o hayop; hindi rin ito protista, hindi eubakterya, at hindi rin arkebakterya. Dating iniisip ng mga tao na halaman ang mga ito kaya't pinangalanan itong halamang singaw. Tinutunaw ng mga kolatkolat ang mga patay na materya sa paligid nito para magsilbing pagkain nila. Hindi lunti ang kulay ng mga ito. Hindi sila namumulaklak at wala ring mga dahon. Kabilang dito ang mga kabuti.[4] Sa larangan ng panggagamot, isa itong malaking pangkat ng mga "halaman" na walang materya o bagay na pangkulay ng lunti na kinabibilangan ng mga kabuti, tagulamin, at amag.[6] Sa isang karamdamang dulot ng halamang-singaw, kinakailangang gamitan ng mikroskopyo ang pagsusuri ng halamang-singaw sapagkat napakaliit ng mga ito upang makita ng mga mata.[6]

Quick facts: Kolatkolat Temporal na saklaw Simulang Debon...
Kolatkolat
Temporal na saklaw: Simulang Deboniyano-Kamakailan
A collage of five fungi (clockwise from top left): a mushroom with a flat, red top with white-spots, and a white stem growing on the ground; a red cup-shaped fungus growing on wood; a stack of green and white moldy bread slices on a plate; a microscopic, spherical grey-colored semitransparent cell, with a smaller spherical cell beside it; a microscopic view of an elongated cellular structure shaped like a microphone, attached to the larger end is a number of smaller roughly circular elements that collectively form a mass around it
Paikot papunta sa kanan mula sa pang-itaas na kaliwang bahagi: Amanita muscaria, isang basidiomycete; Sarcoscypha coccinea, isang ascomycete; tinapay na puno ng amag; isang chytrid; isang Aspergillus conidiophore.
Klasipikasyong pang-agham e
Klado: Holomycota
Kaharian: Fungi
(L., 1753) R.T. Moore, 1980[1]
Subkingdoms/Phyla/Subphyla[2]
Blastocladiomycota
Chytridiomycota
Glomeromycota
Microsporidia
Neocallimastigomycota

Dikarya (inc. Deuteromycota)

Ascomycota
Pezizomycotina
Saccharomycotina
Taphrinomycotina
Basidiomycota
Agaricomycotina
Pucciniomycotina
Ustilaginomycotina

Subphyla incertae sedis

Entomophthoromycotina
Kickxellomycotina
Mucoromycotina
Zoopagomycotina
Close