Hilagang Polo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hilagang Polo, tinatawag din na Heograpikong Hilagang Polo o Panlupang Hilagang Polo ay isang bahagi sa ibabaw ng Daigdig na nakapirme pakundangan sa ibabaw na binibigyan kahulugan bilang ang punto sa hilagang hating-daigdig kung saan nagsasalubong ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig at ang ibabaw ng Daigdig. Hindi dapat ito ipagkamali sa Hilagang Magnetikong Polo.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Hilagang Polo (paglilinaw).
Pinakahilagang bahagi ng Daigdig ang Hilagang Polo, na diyametrikong kabaligtaran ng Polong Timog. Ang heodetikong latitud nito ay 90° Hilaga (Φ = +π/2), gayon din ang direksiyon ng Totoong Hilaga. Papuntang timog ang lahat ng direksiyon sa Hilagang Polo, at dahil dito maaaring maging kahit anumang halaga ang longhitud nito (-π ≤ λ ≤ +π).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.