![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/aa/Portrait_of_Niccol%25C3%25B2_Machiavelli.jpg/640px-Portrait_of_Niccol%25C3%25B2_Machiavelli.jpg&w=640&q=50)
Niccolò Machiavelli
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Niccolò di Bernardo dei Machiavelli (3 Mayo 1469 – 21 Hunyo 1527) ay isang Italyanong pilosopo, politiko, at manunulat na nakabase sa Plorensiya noong panahon ng Muling Pagsilang. Isa siya sa pangunahing mga tagapagtatag ng makabagong agham pampolitika.[4] Isa siyang diplomata, pilosopong pampolitika, musikero, mandudula, at tagapaglingkod na sibil ng Republika ng Plorensiya. Bilang manunulat, nagsulat siya ng maraming sulatin ukol sa politika, bagaman nagsulat din siya ng komedya. Itinuturing ang kanyang komedyang La Mandragola ("Ang Mandragora", 1513) bilang maaaring pinakamahusay ng ika-16 na daangtaon, subalit pinakatanyag sa kanyang mga akda ay ang Ang Prinsipe (1532). Naging isa Ang Prinsipe sa pinakadakilang makasining na mga likha ng ika-16 daangtaon sa Italya.[5]
Niccolò Machiavelli | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 3 Mayo 1469 (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 21 Hunyo 1527 (Huliyano)[1] |
Nagtapos | Unibersidad ng Florence |
Trabaho | manunulat,[3] politiko,[3] historyador,[3] pilosopo, political theorist, tagasalin, makatà, diplomata,[3] mandudula[3] |
Pirma | |
![]() |