Mangangaral
taong nangangaral ng Ebanghelyo / From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa aklat sa Bibliya na Mangangaral, tingnan ang Eclesiastes.
Ang isang mangangaral ay isang tao na nagbibigay ng sermon o homiliya tungkol sa mga paksang relihiyoso sa isang pagtitipon ng mga tao. Hindi gaanong karaniwan ang katawagang ito sa mga mangangaral na nangangaral sa kalye, o iyong mga nagbibigay ng mensahe na hindi kinakailangang relihiyoso, subalit nangangaral ng mga elemento tulad ng moral o panlipunang pananaw ng mundo o pilosopiya.