Morpolohiya (lingguwistika)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.