Organulo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa biolohiya ng selula, ang isang organulo[tb 1] (Ingles: organelle ( /ɔrɡəˈnɛl/) ay isang espesyalisadong subunit ng isang selula na may espesipikang katungkulan at karaniwang hiwalay nan nasasarhan o napapalibutan sa loob ng sarili nitong lipidong dalawang patong]. Ang pangalang organelle ay nagmumula sa ideyang ang mga istrakturang ito ay sa mga selula kung paanong ang organo ay sa katawan kaya ang panglang organelle na ang hulaping elle ay labis na maliit. Ang mga organulo ay tinutukoy ng mikroskopiya at maaari ring dalisayin ng praksiyonasyong selula. Maraming mga uri ng organulo partikular na sa mga selulang eukaryotiko. Ang mga prokaryote ay minsang inakalang walang mga organulo ngunit ang ilang mga halimbawa ay natukoy na.[1]
Agarang impormasyon Organelle, Mga detalye ...
Organelle | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | organella |
Mga pagkakakilanlan | |
Kodigo | Padron:TerminologiaHistologica |
TH | H1.00.01.0.00009 |
FMA | 63832 |
Isara