Pamantasang Félix Houphouët-Boigny
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Université Félix Houphouët-Boigny (dating University of Cocody-Abidjan, fr.: Université de Cocody o Université de Cocody-Abidjan UCA) ay isang pamantasan sa seksyon ng Cocody sa lungsod ng Abidjan, Côte d'Ivoire. Ito ang pinakaprestihiyoso sa buong bansa. May higit sa 50,000 mag-aaral, ang UCA ay may 13 fakultad at isang sentro ng pananaliksik, na nagbibigay ng diploma mula sa dalawang-taon ng pag-aaral sa antas undergraduate hanggang sa mga kwalipikasyong propesyonal, pang-akademiko, medikal, legal, at espesyalista. Ito ang pangunahing kampus ng nationwide Unibersidad ng Abidjan mula 1964 hanggang 1996, nang ito ay maging isang independiyenteng institusyon. Ito ay pinatatakbo ng estado, at nasa ilalim ng Ministri ng Edukasyon.