Kalinangang tanyag
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kalinangang tanyag (Ingles: popular culture, pop culture), na tinatawag ding kalinangang bantog, kulturang popular, kulturang tanyag, kulturang bantog, kalinangang kinakatigan, o kulturang kilala, ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin, mga meme,[1] mga imahe, at iba pang mga penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na konsensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan, natatangi na ang sa kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika-20 daanton at ng lumilitaw at bumabangong pangunahing global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng ika-20 daantaon at kaagahan ng ika-21 daantaon. Ang kalipunang ito ng mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya, ay tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng lipunan.
Ang kalinangang tanyag ay kadalasang tinatanaw bilang pangkaraniwan at may kababaan ng antas (sa diwang "bakya" o hindi mataas ang uri) upang makahanap ng konsensuwal na pagtanggap sa kahabaan ng pangunahing daloy ng isang kultura. Bilang kinalabasan, sumailalim ito sa mabigat na kritisismo o pagbatikos ng sari-saring mga napakukunang wala sa pangunahing daloy ng kultura (higit na ang mga pangkat na panrelihiyon at mga pangkat na kontra-kultura) na humahatol dito bilang superpisyal, konsumerista, sensasyonalista, at may katangian ng korupsiyon o kabulukan.[2][3][4][5][6][7][8][9][10]
Ang katagang "kulturang popular" ay unang naimbento noong ika-19 daantaon o mas maaga pa[11] upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang "kakalinangan" o "kakulturahan" ng mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan. Lumitaw rin ito isang talumpating ipinahayag sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham sa Inglatera.[12] Ang kataga ay nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan na bilang isang kalinangan ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa (at paminsan-minsang laban sa) tinataguriang "tunay na edukasyon" hanggang sa pagsapit ng hulihan ng daantaong iyon,[13] isang paggamit na naging naitatag ng kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan.[14] Ang pangkasalukuyang kahulugan ng kataga, isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o madla, iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos, ay nailunsad at tumatag sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[15] Sa gawi sa wikang Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop culture o "kulturang pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay maipepetsang nasa dekada 1960.[16]