prinsesa ng Brunei From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Rashidah Sa'adatul Bolkiah (Malay: Hajah Rashidah Sa'adatul Bolkiah Binti Sultan Haji Hassanal Bolkiah) ay ipinanganak noong Hulyo 26, 1969. Sya ay ang panganay na anak nina Sultan Hassanal Bolkiah at Reyna Saleha.
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Enero 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangan ayusin ang balarila at pagkakasulat. Kailangan din isalin ang mga banyagang pananalita. |
Rashidah Sa'adatul Bolkiah | |
---|---|
Rashidah in 2024 | |
Asawa | Pengiran Anak Abdul Rahim (k. 1996) |
Anak | Talaan
|
Buong pangalan | |
Rashidah Sa'adatul Bolkiah binti Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah | |
Lalad | Bolkiah |
Ama | Sultan Hassanal Bolkiah |
Ina | Pengiran Anak Saleha |
Kapanganakan | Istana Darul Hana, Tumasek, Bandar Seri Begawan, Brunei | 26 Hulyo 1969
Pananampalataya | Sunni Islam |
Si Princess Rashidah (o Rashida) ay nag-aral sa Puteri-Putera School, Jerudong International School at nagtapos sa Universiti Brunei Darussalam o kilala rin sa tawag na UBD, Sya ay may Master's degree sa Public Policy and Administration. Nagtrabaho siya sa Public Service Department ng Prime Minister's Office noong 1994, at sa Ministry of Development noong 1995. [1]
Ang kasal ni Prinsesa Rashidah at ng kanyang asawa na si, Pengiran Maharaja Setia Laila Diraja Shahibul Irshad Pengiran Anak Haji 'Abdul Rahim, [2] ay naisa-publiko sa pamamagitan ng Radio Television Brunei (RTB), at ang pagdiriwang ay sinundan ng Malay Muslim Monarchy pilosopiya. Ang Majlis Istiadat Bersuruh Diraja na ginanap sa Istana Nurul Iman noong 9 Agosto 1996. Bago ang kasal, kumakalat ang mga balita sa mamamayan ng Brunei. Nagsimula ang Gendang Jaga-Jaga sa mga musikero sa korte na tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumentong pangmusika, na sinundan ng 21-gun salute sa Lapau. Pagkatapos nito, isinagawa ang Menerima Tanda Diraja noong 12 Agosto. [1]
Pagkatapos noong hapon ng Agosto 13, nagsimula ang Menerima Pertunangan Diraja . Nang sumunod na araw, ang Seremonya ng Berbedak ay isinagawa, sa Omar Ali Saifuddien Mosque, pinag-isang dibdib ng Akad Nikah ang magkasintahang noong ika -15 ng Agosto. Pagkatapos ng ilang araw ng mga seremonyas, isinagawa ang Bersanding sa Throne Hall ng Istana Nurul Iman kasama ang presensya ng Royal family, lokal man at dayuhan na 5,000 bisita noong Agosto 18. [1] Nagbigay ng private concert si Whitney Houston para ipagdiwang ang kanyang kasal. [3] Ayon sa mga ulat, nakatanggap siya ng $7 milyon para gumanap sa okasyong ito. [4]
Sina Prinsesa Rashidah at Pengiran Anak Abdul Rahim ay may 2 anak na lalaki at 3 anak na babae. Ang pagkakasunud-sunod ayon sa edad ay ang mga sumusunod;
Mahilig maglaro ng badminton at bowling si Prinsesa Rashidah . [1]
Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Girl Guides Association ng Brunei Darussalam (PPPBD). [10] Sa pagdiriwang ng World Thinking Day 2014, binanggit niya ang pagpapabuti ng antas ng educational attainment ng mga miyembro ng PPPBD na nag-aaral pa, at upang mapahusay ang kanilang kakayahan na magpatuloy sa mas mataas na edukasyon. [11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.