From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Punong Ministro ng Thailand (Thai: นายกรัฐมนตรีแห่งราชอาณาจักรไทย, Na-Yok Ratha Montri Haeng Ratcha Anachak Thai) ang pinuno ng pamahalaan ng Thailand. Ang Punong Ministro rin ang tagapangulo ng Gabinete ng Thailand. Ang posisyon ay nagawa simula pa noong Rebolusyon ng 1932, nang ang bansa ay naging kahariang konstitusyonal.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Punong Ministro ng Thailand นายกรัฐมนตรีแห่งราชอาณาจักรไทย | |
---|---|
Istilo | Ang Kanyang Kamahalan |
Tirahan | Mansyon ng Phitsalunok |
Nagtalaga | Maha Vajiralongkorn (Rama X) bilang Hari ng Thailand |
Haba ng termino | 4 na taon (hindi hihigit sa 2 magkasunod na termino) |
Nagpasimula | Phraya Manopakorn Nititada |
Nabuo | Saligang-Batas ng Thailand, 28 Hunyo 1932 |
Websayt | www.pm.go.th |
Ang Punong Ministro ay itinatalaga sa pamamagitan ng boto ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Thailand sa pamamagitan ng mayorya, at isinusumpa ng Hari ng Thailand. Ang pagpili ng Kapulungan ay nakabatay sa katotohanan kung ang punong ministro ay ang pinuno ng pinakamalaking partidong pampolitika sa mababang kapulungan o pinuno ng pinakamalaking koalisyon ng mga partido. Alinsunod sa saligang-batas, ang punong ministro ay pwede lamang matalaga ng dalawang beses at limitado sa dalawang magkasunod na termino. Ang kasalukuyang PM ay si Srettha Thavisin, hawak niya ang posisyon mula noong 22 Agosto 2023.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.