Samguk Sagi
aklat / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Samguk Sagi (Hangul: 삼국사기, Hanja: 三國史記, Kasaysayan ng Tatlong Kaharian) ay isang talang pangkasaysayan ng Tatlong Kaharian ng Korea: Goguryeo, Baekje at Silla. Nakasulat ang Samguk Sagi sa Klasikong Tsino, ang sulating pangwika ng mga literato sa sinaunang Korea, at ipinautos ang kompilasyon nito ni Haring Injong ng Goryeo (r. 1122-1146) at hinawakan ng opisyal ng pamahalaan at mananalaysay na si Kim Busik (金富軾) at isang pangkat ng mga batang iskolar. Natapos iyong noong 1145. Batid ito sa Korea bilang pinakamatandang umiiral na kronika (salaysay) ng kasaysayang Koreano.