Semilya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang semilya, semen, o pluwidong seminal (Ingles: semen o seminal fluid) ay isang pluidong naglalaman ng spermatozoa (tamod). Ito ay inilalabas ng mga gonad (glandulang sekswal) at iba pang mga organong sekswal ng lalake o mga hermaproditikong mga hayop at maaaring magpunlay (fertilize) ng itlog ng babae (ovum o ova). Sa mga tao, ang semilya ay naglalaman ng ilang mga bahagi bukod pa sa spermatozoa: ang proteolytic at iba pang mga ensima gaya ng fructose ay mga elemento ng semilya na nagtataguyod ng pagpapatuloy ng spermatozoa at magbigay ng medium upang malanguyan ng mga ito.
- Ang artikulong ito ay tungkol sa isang selulang organiko. Tingnan ang tamod (pluido) para sa pluidong reproduktibo ng isang lalaki.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Esperma (paglilinaw).