Silohismo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa tradisyunal na lohika, ang silohismo (Griyego: συλλογισμός – syllogismos – "konklusyon" "imperensiya") ay isang uri ng pangangatwiran kung saan ang isang proposisyon (ang konklusyon) ay hinihinuha o hinahango mula sa dalawa o higit pang mga iba (ang mga premisa) ng isang spesipikong anyo. Sa sinaunang panahon, ang dalawang mga magkatunggaling teoriya ng silohismo ay umiral: Ang silohistikang Aristoteleano at silohistikang Stoiko. Hinahango mula sa naunang palagay ang kasunod na palagay at batay sa tibay ng pagkakaugnay ng dalawang palagay, bumubuo ng katapusang pangungusap.
Ang silohismo ay nasa kaibuturan ng tradisyonal pangangatwiran sa paraan ng deduksiyon kung saan ang mga katotohanan ay natutukoy sa pamamagitan ng pagsasama ng mga umiiral na pangungusap. Ito ay salungat sa pangangatwirang induktibo kung saan ang mga katotohahan ay natutukoy ng mga paulit ulit na obserbasyon.
Tatlong bagay ang bumubuo sa silohismo: ang pangunahing premisa (major premise), ang nakapailalim na premisa (minor premise) at ang konklusyon (conclusion).
Sa mga kontekstong akademiko, ang silohismo ay napalitan ng lohikang predikadong unang order kasunod ng akda ni Gottlob Frege sa partikular ang kanyang aklat na Begriffsschrift (1879). Gayunpaman, ang mga silohismo ay nananatiling magagamit sa ilang mga sirkunstansiya at para sa pangakalahatang mambabasa na mga pagpapakilala sa lohika.