Asiryong Simbahan ng Silangan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Asiryong Simbahan ng Silangan o Assyrian Church of the East at opisyal na Banal an Apostolikong Katolikong Asiryong Simbahan ng Silangan[5] Klasikong Siriako: ܥܕܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܘܫܠܝܚܝܬܐ ܩܬܘܠܝܩܝ ܕܡܕܢܚܐ ܕܐܬܘܪܝܐ ʻIttā Qaddishtā w-Shlikhāitā Qattoliqi d-Madnĕkhā d-Āturāyē, ay isang Simbahang Syriac na historikal na nakasentro sa Mesopotamia. Ito ang isa sa mga simbahan na nag-aangkin ng pagpapatuloy sa historikal na Patriarkada ng Seleucia-Ctesiphon - ang Simbahan ng Silangan. Hindi tulad ng karamihan ng mga simbahang bumabakas ng kanilang mga pinagmulan sa sinaunang panahon, ang modernong Simbahang Asiryo ng Silangan ay walang komunyon sa ibang mga simbahan, sa Silangang Ortodokso, Oriental na Ortodokso o Simbahang Katoliko. Ang simbahang ito ay pinamumunuan ng Katolikos-Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan na si Mar Dinkha IV na kasalukuyang nangangasiwa mula sa Chicago, Illinois, United States. Sa ilalim ng Katolikos-Patriarka ay ang isang bilang mga obispong metropolitano, mga obispo ng diocese, mga pari at mga deakono na naglilingkod sa mga diocese sat parokya sa buong Gitnang Silangan, India, Hilagang Amerika, Oceania, at Europa kabilang ang Caucaus at Rusya. Sa teolohiya, ang simbahang ito ay nauugnay sa doktrina ng Nestoryanismo na humantong sa simbahang ito na makilala bilang "Simbahang Nestoryano" bagaman ang mga pinuno ng simbahan ay minsang tumatakwil sa tawag na Nestoryano. Ang simbahang ito ay gumagamit ng dialektong Syriac ng wikang Aramaiko sa liturhiya nito na Ritong Silangang Syrian na kinabibilangan ng mga anaphora na itinutro kina San Thadeo ng Edessa at San Mari, Teodoro ng Mopsuestia at Nestorio.[6]
Asiryong Simbahan ng Silangan | |
Assyrian church of the East.png Emblem ng Asiryong Simbahan ng Silangan | |
Tagapagtatag | Bumabakas ng mga pinagmulan ni kay Apostol Tomas, Bartolomeo, Thadeo ng Edessa at Mari. |
Independensiya | n/a |
Rekognisyon | |
Primado | Katolikos-Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan na si Mar Dinkha IV Khanania |
Headquarters | Chicago, Illinois, Estados Unidos |
Teritoryo | Gitnang Silangan, India, Hilagang Amerika, Oceania, at Europa. |
Mga pag-aari | — |
Wika | Syriac,[1] Aramaic |
Mga tagasunod | 400,000 - 500,000[2][3][4] |
Websayt | www.assyrianchurch.com/ |
Ang Simbahan ng Silangan ay umunlad mula sa maagang mga pamayanang Kristiyanon Asiryo sa probinsiyang Assuristan ng Imperyong Partia. Sa tugatog nito ay kumalat ito sa sentro ng Mesopotamia hanggang sa Tsina at India. Ang isang alitan tungkol sa paghalili ng patriarka ay humantong sa sisma ng 1552 na humantong sa pagkakaroon ng dalawang magkatunggaling mga patriarka. Ang isang paksiyon na kalaunang lumitaw mula sa pagkakabahaging ito ay naging modernong simbahang Asiryo ng Silangan samanatalang ang isa pa ay naging simbahang kilala ngayon bilang Kaldeong Katolikong Simbahan na pumasok sa isang komunyon sa Simbahang Katoliko.