cover image

Tamaraw

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae[1] na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan ang hayop na ito sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan na lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya kritikal na nanganganib na ngayon ito.[2]

Quick facts: Tamaraw, Katayuan ng pagpapanatili, Klasipika...
Tamaraw
Bubalus_mindorensis_by_Gregg_Yan_01.jpg
Katayuan ng pagpapanatili
Status_iucn2.3_CR.svg
Kritikal na Nanganganib  (IUCN 2.3)
Klasipikasyong pang-agham Red_Pencil_Icon.png
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Pamilya: Bovidae
Subpamilya: Bovinae
Sari: Bubalus
Espesye:
B. mindorensis
Pangalang binomial
Bubalus mindorensis
(Heude, 1888)
Tamaraw_distribution_map.PNG
Lugar na tinitirhan ay kulay luntian
Close
Philbullpisolgrev.jpg
Baryang piso noong 1983-1994, may diyametro na 29mm at may tamaraw sa likuran

Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na hugis titik V.[3] Ito ang ikalawang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa pagkatapos ng kalabaw.

Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw subalit hindi opisyal. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.