Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños
pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (U.P. Los Baños, U.P.L.B. o mas kilala sa tawag na Elbi) ay isang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas na matatagpuan sa may paanan ng Bundok Makiling sa Los Baños, Laguna. Itinalaga ito ng Amerikanong botanista at agrikulturistang si Edwin Copeland noong 6 Marso 1909 bilang Kolehiyo ng Agrikultura, isa sa unang dalawang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños | |
---|---|
University of the Philippines Los Baños | |
Sawikain | Honor and Excellence |
Itinatag noong | 6 Marso 1909 |
Uri | Pambansang Unibersidad |
Kansilyer | Fernando C. Sanchez, Jr. |
Pangulo | Danilo L. Concepcion |
Lokasyon | , , |
Kampus | 14,665 hektarya (147 km²) university town, land grant university |
Hymn | "U.P. Naming Mahal" |
Kulay | Maroon at Forest Green |
Apilasyon | Association of Pacific Rim Universities (sa pamamagitan ng UP System) |
Websayt | www.uplb.edu.ph |
Naging maka-impluwensiya ang Unibersidad sa Asia sa larangan ng Agrikultura at Biotechnology, ito'y dahil sa pagsisikap nilang mapabuti ang plant breeding at bioengineering, lalo na sa pagpalaganap ng high-yielding at pest-resistant na tanim. Noong 1977 pinarangalan ang Unibersidad ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Sabansaang Pag-uunawa bilang pagkilala sa kanilang mga ambag sa larangang Agrikultura. Ang UPLB ang tumatanaw sa iba't ibang lokal at pandaigdigang sentrong pananaliksik, kabilang na ang International Rice Research Institute (IRRI), ASEAN Center for Biodiversity, World Agroforestry Center, at ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA).
Ang UPLB ay nag-aalok ng mahigit 100 mga degree programs sa iba't ibang larangan sa ilalim ng kanilang siyam na kolehiyo at dalawang paaralan. Ang unibersidad ay binigyan ng walong Centers of Excellence para sa walong akademikong yunit at dalawang Centers of Development.
Kilala ang alumni ng UPLB sa iba't ibang larangan, nabibilang dito ang 13 Pambansang Dalub-agham ng Pilipinas, miyembro ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), isang nagwagi ng 2007 Nobel Peace Prize, mga nagwagi sa Gawad Palanca at iba't ibang mga politiko at negosyante.