Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Philippines, Mindanao (UP Mindanao, UPMin; Cebuano: Unibersidad sa Pilipinas Mindanao) ay ang ika-anim at pinakahuling yunit ng Unibersidad ng Pilipinas. Itinalaga noong 20 Pebrero 1995 sa pamamagitan ng Republic Act 7889. Pagkaraan, ang mga Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas ay pormal na nilikha ang UP Mindanao noong 23 Marso 1995. Ito lamang ang natatangging constituent university ng Unibersidad ng Pilipinas na naitatag sa pamamagitan ng isang batas na inihain sa Kongreso. Pagkaraan, ang mga Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas ay pormal na nilikha ang U.P. Mindanao noong 23 Marso 1995. Layunin ng UP Mindanao na maibahagi at mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral ng Mindanao, lalung-lalo na ang mga mag-aaral na Muslim at Lumad, na maging mga Iskolar ng Bayan, kasali na ang mga naghihikaos ngunit magagaling na estudyante. Dahil dito, ang mga programang pang-akademiko at pagsasaliksik ay nakatuon sa pag-aaral sa Mindanao (Mindanao Studies) sa larangan ng sangkalikhaan, arkitektura, food science, biolohiya, computer science, at supply chain management.
Unibersidad ng Pilipinas Mindanao | |
---|---|
Ingles: University of the Philippines Mindanao Cebuano: Unibersidad sa Pilipinas Mindanao | |
Sawikain | Dangal at Kagalingan (Honor and Excellence) |
Itinatag noong | 18 June 1908 (system); 20 February 1995 (pamantasan); 22 March 1995 (bilang yunit) |
Uri | National, Research university Public university |
Kansilyer | Dr. Larry N. Digal |
Pangulo | Atty. Danilo L. Concepcion |
Lokasyon | Barangay Mintal, Distrito ng Tugbok, Lungsod ng Dabaw , 7°05′08.58″N 125°29′05.59″E |
Kampus | Rural, 204 hektarya |
Awit | U.P. Naming Mahal |
Kulay | UP Maroon and UP Forest Green |
Palayaw | UPMin, UP Mindanao, UP ng Katimugan |
Maskot | U.P. Oblation |
Apilasyon | Association of Pacific Rim Universities (APRU), Association of Southeast Asian Institutions of Higher Learning (ASAIHL), ASEAN University Network (AUN), ASEAN-European University Network (AEUN) (sa pamamagitan ng UP System) Davao Colleges and Universities Network (DACUN) |
Websayt | www.upmin.edu.ph |
Ang UP Mindanao ay matatagpuan sa Bago Oshiro, Mintal, Lungsod ng Dabaw, Pilipinas.
Ang UP Mindanao ay binubuo ng tatlong kolehiyo, ang Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan, ang Kolehiyo ng Agham at Matematika, at ang Paaralan ng Pangangasiwa. Siyam na baccalaureate degree programs at isang graduate degree program ang inaalok ng UP Mindanao para sa mga nagnanais mag-aral sa unibersidad. Natatangi sa UP Mindanao ang Bachelor of Science in Agribusiness Economics (BSABE), dahil dito lamang ito inaalok sa buong bansa, at isa ang unibersidad sa mga tatlong pamantasan sa buong mundo na nagbibigay ng edukasyon sa larangang ito.
Ang unibersidad ay itinalagang Pambansang Sentro ng Kahusayan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) sa larangan ng Information Technology (IT) at Computer Science. Kasalukuyan ay gumagawa ng mga hakbang ang unibersidad bilang isang Sentro ng Sining at Wika sa pag-aaral ng mga katutubong wika at kultura ng Mindanao.