Beksilolohiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang beksilolohiya (Ingles: vexillology) ay ang pagsusuri ng kasaysayan, simbolismo, at kagamitan ng mga bandila, at maaari din na tumukoy sa pangkalahatang interes ukol sa mga bandila. Ang salitang ito ay mula sa pagsasama ng salitang Latin na vexillium ("bandila") at ng hulaping Greko -logy ("pag-aaral"). Sa pormal na depinisiyon ng Pandaigdigang Federasyon and mga Samahang Beksilolohikal (Ingles: FIAV, International Federation of Vexillological Associations), and beksilolohiya ay tinuturing bilang ang "paggawa at pag-unlad ng karunungan ukol sa mga sari-saring bandila, ang kanilang mga porma at kagamitan, at ng mga teoriyang siyentipiko ukol sa karunungang ito."
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Disyembre 2013) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Ang terminong beksilolohiya ay unang nilikha noong 1957 ni Whitney Smith, isang beksilolohiyong Amerikano, at unang inilathala noong 1959. And pag-aaral ng mga bandila ay unang isinailalim sa heraldiya, at hanggang ngayon ay minsa'y itinuturing ganoon. Ang mga iskolar ng mga bandila ay tinatawag na mga beksilologo; ang mga nagdidisenyo ng mga bandila ay tinatawag na mga beksilolograpo; at ang mga taong may interes sa mga bandila ay tinatawag na mga beksilolopilo.
Mula noong 1965, nagkakaroon ng Pandaigdigang Kongreso ng Beksilolohiya sa tigalawang taon na inoorganisa ng FIAV. Ang mga kamaikalan lamang na Kongreso ay ginanap sa Berlin noong 2007, Yokohama, Japan noong 2009, Alexandria, Virginia sa Estados Unidos noong 2011. Ang susunod na Kongreso ay gaganapin sa Rotterdam, Netherlands sa Agosto 2013.