![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/9f/Flag_of_Indonesia.svg/langtl-640px-Flag_of_Indonesia.svg.png&w=640&q=50)
Watawat ng Indonesia
Pambansang watawat / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambansang watawat ng Indonesya, na kilala rin bilang Sang Merah Putih sa Indones, ay batay sa watawat ng Imperyo ng Madyapahit noong ika-13 dantaon. Ang watawat ay ipinakilala at itinaas sa mga Indones noong seremonya ng Araw ng Kalayaan ng Indonesya noong 17 Agosto 1945. Sa loob ng 60 taon, ang disenyo ng watawat ay hindi nabago pati na ang haba at kulay nito.
![]() | |
Pangalan | Sang Saka Merah Putih |
---|---|
Paggamit | Pambansang watawat at ensenya ![]() |
Proporsiyon | 2:3 |
Pinagtibay | 17 Agosto 1945 (Batay sa watawat ng Kaharian ng Madyapahit) |
Disenyo | dalawang pantay na pahalang bands, red (top) at puti (ilalim) na may kabuuang rasyo na 2:3. |
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/9f/Flag_of_Indonesia.svg/640px-Flag_of_Indonesia.svg.png)
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/68/FIAV_111111.svg/23px-FIAV_111111.svg.png)
Ang disenyo ng watawat ay simpleng dalawang kulay na watawat na may dalawang pantay na parihaba, pula sa taas at puti sa baba na may rasyo ng 2:3. Ang watawat ay kahalintulad ng watawat ng Polonya, na baligtad lang ang posisyon ng kulay, at ng Monaco, kung saan iba ang rasyo. Sinisimbolo ng pula ang katapangan, samantalang ang puti naman ang sumasagisag sa ispiritwal na aspeto. Higit pa, may awit na pinamagatang "Merah Putih" (Pula at Puti) at isa sa mga pambansang awit.