Anadyr
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Anadyr (Ruso: Ана́дырь; Chukchi: Кагыргын, Kagyrgyn) ay isang pantalang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Chukotka Autonomous Okrug, Rusya, na matatagpuan sa bunganga ng Ilog Anadyr sa dulo ng isang tangway na naka-usli patungong Anadyrsky Liman. Ang Anadyr ay ang pinakasilangang lungsod sa Rusya; walang katayuang panlungsod ang mas-silangang mga pamayanan tulad ng Provideniya at Uelen. Dati ng kilala ito bilang Novo–Mariinsk hanggang sa taong 1923.[2]
Remove ads
Heograpiya
Matatagpuan ang Anadyr sa dulo ng isang malaking tangos, sa hilaga ay ang bunganga ng Ilog Anadyr at sa silangan ay ang Anadyrsky Liman (ang wawang bahagi ng ilog) na umaagos patungong Golpo ng Anadyr.[12] Ang mismong lungsod ay nasa di-gaanong matarik na dalisdis na pumapaitaas mula sa dagat, sa kabilang dako ng Ilog Anadyr ay ang mga bundok, at sa kanlurang dako ng lungsod at malayu-layo naman ay napakalawak na patag na tundra.[12]
Ang lungsod ay nasa paralelong katulad sa Fairbanks, Estados Unidos; Skellefteå, Suwesya; at Oulu, Pinlandiya. Maliban sa mga lungsod na ito, karaniwang maliit ang populasyon sa gayong hilagang mga paralelo.
Remove ads
Demograpiya
Mga pandaigdigang ugnayan
Mga kambal at kapatid na lungsod
Magkakambal ang Anadyr sa:
Bethel, Alaska, Estados Unidos[20]
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads