Analhesiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga analhesiko ay mga gamot na nagagamit bilang pampaalis ng hapdi, sakit (pananakit), o kirot ng sugat o bahagi ng katawan, katulad ng sakit ng ulo. Tinatawag na analhesya ang kalagayan ng pagkawala o kawalan ng pakiramdam o pamamanhid mula sa hapdi.[1][2] Nangyayari ang epekto ng mga analhesiko sa pamamagitan ng pagpapamanhid ng mga ito sa mga lundayan o sentro ng utak at mga ugat-pandama (mga nerbyong sensoryo). May kaugnayan ang mga analhesiko sa anestisya.

Ilan sa mga halimbawa ng mga analhesiko ang mga sumusunod: opyo, kloropormo, antipirino, penasetino, at beladona.[2]
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads