Andorra

From Wikipedia, the free encyclopedia

Andorra
Remove ads

Ang Andorra,[b] opisyal na Prinsipalidad ng Andorra,[2][c] ay isang bansang walang baybayin sa Tangway ng Iberya, sa silangang bahagi ng Pirineos sa Timog-kanlurang Europa, na napapaligiran ng Pransya sa hilaga at Espanya sa timog. Pinaniniwalaang itinatag ni Carlomagno, pinamunuan ng konde ng Urgell ang Andorra hanggang 988, nang ito ay ilipat sa Diyosesis ng Urgell. Ang kasalukuyang prinsipado ay nabuo sa pamamagitan ng isang saligang kasalutan noong 1278. Sa kasalukuyan, pinamumunuan ito ng dalawang kasamang-prinsipe: ang Obispo ng Urgell sa Cataluña, Espanya, at ang pangulo ng Pransya. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Andorra la Vieja.

Agarang impormasyon Prinsipalidad ng AndorraPrincipat d'Andorra (Catalan), Kabisera at pinakamalaking lungsod ...

Ang Andorra ang ika-anim na pinakamaliit na estado sa Europa, na may lawak na 468 kilometro kuwadrado (181 mi kuw) at populasyon na humigit-kumulang 87,486.[3] Ang mga Andorrano ay isang pangkat etnikong Romansa na malapit na kaugnay ng mga Catalan.[4] Ang Andorra ang ika-16 na pinakamaliit na bansa sa mundo ayon sa lupain at ika-11 pinakamaliit ayon sa populasyon.[5] Ang kabisera nito, Andorra la Veija, ay ang pinakamataas na kabisera sa Europa, na may altitud na 1,023 metro (3,356 talampakan) mula sa antas ng dagat.[6] Ang opisyal na wika ay Catalan, subalit karaniwang ginagamit din ang Kastila, Portuges, at Pranses.[7][8]

Ang turismo sa Andorra ay nagdadala ng humigit-kumulang 8 milyong bisita taun-taon.[9] Hindi kasapi ang Andorra sa Unyong Europeo. Kasapi ito ng Konseho ng Europa at ng Mga Bansang Nagkakaisa mula pa noong 1993.[10]

Remove ads

Etimolohiya

Hindi alam ang pinagmulan ng salitang "Andorra," bagaman ilang teorya ang iminungkahi. Ang pinakamatanda ay iminungkahi ng historyador na Griyego na si Polibio (Histories III, 35, 1), na naglalarawan sa mga Andosins, isang Iberyo bago ang mga Romano na tribo, na matatagpuan sa mga lambak ng Andorra at hinarap ang hukbong Kartahinyano sa kanilang pagdaan sa Pirineos noong mga Digmaang Puniko. Ang salitang Andosini o Andosins (Ἀνδοσίνοι) ay maaaring nagmula sa Basko na handia, na nangangahulugang "malaki" o "higante".[11] Ang toponimya ng Andorra ay nagpapakita ng ebidensya ng wikang Basko sa lugar.

Isa pang teorya ay nagsasabing ang salitang Andorra ay maaaring nagmula sa lumang salita na Anorra na naglalaman ng Basko na salitang ur ("tubig").[12]

Mayroon ding teorya na Andorra ay nagmula sa Arabeng ad-dārra (الدَّارَة), na nangangahulugang malawak na lupain na matatagpuan sa gitna ng mga bundok o isang masang lugar na may kakahuyan[13] (kung saan ang ad- ay ang tiyak na artikulo). Nang sakupin ng mga Moro ang Tangway ng Iberya, ang mga lambak ng Mataas na Pirineos ay napalibutan ng malalawak na kagubatan. Ang mga rehiyong ito ay hindi pinamahalaan ng mga Muslim dahil sa hirap ng direktang pamumuno.[14]

Iba pang mga teorya ay nagsasabing ang terminong ito ay nagmula sa Navarro-Aragones na andurrial, na nangangahulugang "lupain na natatakpan ng mga palumpong" o "scrubland".[15]

Ayon sa pambayang etimolohiya, ipinangalan ni Carlomagno ang rehiyon bilang sanggunian sa Biblikal na lambak ng Endor o Andor (kung saan natalo ang mga Midianita), na ipinangalan ng kanyang tagapagmana at anak na si Ludovico Pio matapos talunin ang mga Moro sa "mabangis na mga lambak ng Impiyerno".[16]

Remove ads

Heograpiya

Mga parokya

Ang Andorra ay binubuo ng pitong pamayanan na tinatawag na mga parokya.

Nr.*ParokyaISO 3166-2Lawak
km²
Populasyon
199020002007
1 CanilloAD-021211.2902.7065.422
2 EncampAD-03747.11910.59514.029
3 OrdinoAD-05891.2892.2833.685
4 La Massana[17]AD-04653.8686.2769.357
5Andorra la Vella*AD-071219.02221.18924.574
6 Sant Julià de LòriaAD-06606.0127.6239.595
7 Escaldes-EngordanyAD-084712.23515.29916.475
  AndorraAD46850.83565.97183.137

* Kabesera ng Andorra

Thumb
Mapa ng mga parokya ng Andorra

Pisikal na heograpiya

Dahil sa lokasyon nito sa silangang bahagi ng bulubunduking Pirineos, binubuo ang Andorra pangunahin ng magagaspang na kabundukan. Ang pinakamataas dito ay ang Coma Pedrosa, na may taas na 2,946 metro (9,665 talampakan), at ang karaniwang taas ng Andorra ay 1,996 metro (6,549 talampakan).[18] Hinahati ng tatlong makitid na lambak na hugis titik Y ang mga kabundukang ito, na nagsasama sa iisang daluyan ng tubig, ang ilog Gran Valira, na lumalabas ng bansa patungong Espansya (sa pinakamababang punto ng Andorra na 840 metro o 2,756 talampakan). Ang kabuuang lawak ng lupain ng Andorra ay 468 km² (181 mi kuw).

Kapaligiran

Ayon sa pitheograpiya, kabilang ang Andorra sa lalawigang Europeong Atlantiko ng Rehiyong Sirkumboreal sa loob ng Kahariang Boreal. Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF, o Pandaigdigang Pondo para sa Kalikasan), kabilang ang teritoryo ng Andorra sa ekorehiyon ng mga kagubatang koniper at halo-halong kagubatan ng Pirineos.[19] Noong 2018, nakakuha ang Andorra ng karaniwang iskor na 4.45/10 sa Forest Landscape Integrity Index (o Indeks ng Integridad ng Tanawin ng Kagubatan), na ika-127 sa buong mundo mula sa 172 bansa.[20]

Sa Andorra, tinatayang 34% ng kabuuang lupain ay natatakpan ng kagubatan, katumbas ng humigit-kumulang 16,000 ektarya (ha) ng kagubatan noong 2020, na hindi nagbago mula noong 1990. Noong 2020, ang kagubatang kusang tumutubo ay may saklaw na 16,000 ektarya (ha), habang 0 ektarya (ha) naman ang itinanim na kagubatan. Sa mga kusang tumutubong kagubatan, tinatayang 0% ang pangunahing kagubatan (binubuo ng mga katutubong punongkahoy na walang malinaw na palatandaan ng aktibidad ng tao), at humigit-kumulang 0% ng kabuuang kagubatan ang matatagpuan sa loob ng mga protektadong lugar.[21][22]

Mahalagang pook ng mga ibon

Ang buong bansa ay kinilala bilang iisang Mahalagang Pook ng mga Ibon (Important Bird Area o IBA) ng BirdLife International, sapagkat mahalaga ito para sa mga ibong naninirahan sa kagubatan at kabundukan, at sumusuporta sa mga populasyon ng red-billed chough, citril finch, at rock bunting.[23]

Remove ads

Pambansang awit

Ang "El Gran Carlemany" (Catalan ng "Ang Dakilang Carlomagno") ay ang pambansang awit ng Andorra. Ito ay ginamit sa bansa noong 1921 at isinulat ni Enric Marfany Bons (1871-1942) habang nilapatan naman ng musika ni Joan Benlloch i Vivó (1864-1926).

Liriko

Karagdagang impormasyon Liriko sa Catalan, Salin sa Ingles ...

Talababa

  1. .cat din, nakabahagi sa mga teritoryong nagsasalita ng Catalan.
  2. Sa Catalan: Principat d'Andorra, binibigkas [pɾinsiˈpad danˈdɔra]; sa Espanyol: Principado de Andorra; sa Pranses: Principauté d'Andorre.[2]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads