Arkimedes
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Arkimedes o Archimedes ( /ˌɑːrkᵻˈmiːdiːz/;[2]; Sinaunang Griyego: Ἀρχιμήδης; [ar.kʰi.mɛː.dɛ̂ːs]) ( c. 287 BC – c. 212 BC) ay isang sinaunang Griyegong siyentipiko[3], matematiko, pisiko, inhinyero, astronomo at pilosopo na ipinanganak sa Syracuse. Tinuturing siya ng ilang dalubhasa sa kasaysayan ng matematika bilang isa sa pinakamagaling matematiko sa kasaysayan, at maihahambing kina Newton, Gauss at Euler. Sa agham at imbensiyon, kabilang sa mga natuklasan niya ang kalo. Siya rin ang unang nakapagpaliwanag kung bakit lumulutang (sa likidong tulad ng tubig) ang mga bagay.[3]
Remove ads
Anekdota
Batay sa isang maikling salaysay o anekdota, nakatuklas si Archimedes ng isang mahalagang bagay habang nakababad siya sa kaniyang paliguang batya o babarang may tubig. Noong mga 250 BCE, pinag-isipan niya ng husto ang isang katanungan ni Haring Hieron kung paano mapapatunayang purong perlas ang koronang pag-aari ng haring ito. Napag-alaman ni Archimedes na aapaw ang tubig kapag tinubog o nilublob niya ang korona sa isang lalagyang puno ng tubig hanggang sa bunganga nito. Inihambing niya ito sa isang piraso ng purong perlas na may kaparis na timbang sa korona ng hari, at natuklasan niyang katulad din ng dami ng tubig ang aapaw kung purong perlas rin ang nasabing korona. Sa ganitong paraan din napag-alaman ni Archimedes na hindi purong ginto ang korona ng hari. Ayon pa rin sa kuwentong naturan, nagmadali at humahangos na hubo't hubad si Archimedes mula sa kanyang lubluban patungo sa lansangan habang sumisigaw ng "Eureka!" o "Natuklasan ko na!" pagkaraan ng kanyang pagkakatuklas.[3]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads