Babae

Isang indibidwal ng kasarian na may sistemang reproduktibo na ang biyolohikal na balangkas ay gumawa ng mga itlog (ova) From Wikipedia, the free encyclopedia

Babae
Remove ads

Ang babae (ᜊᜊᜁ)[1] o babayi (ᜊᜊᜌᜒ)[2][3] ay tumutukoy sa isang indibidwal na may kasariang may kakayahang gumawa ng mas malaking gameto, o ovum (egg cell)[4], anuman ang kanyang panlipunang gampanin o ekspresyong pangkasarian. Ang depinisyong ito ay hindi nalilimitahan sa tao kundi sumasaklaw sa lahat ng organismo – maging hayop, halaman, o iba pang anyong buhay – na nakakagawa ng bagong buhay sa pamamagitan ng reproduksyong sekswal. Kabaligtaran nito ang "lalaki," na gumagawa ng mas maliit na gameto o semilyang tamod (sperm cell). Sa Botaniya, tumutukoy ito sa mga halamang may pistil o bulaklak na para sa paggawa ng binhi.

Para sa ibang gamit, tingnan ang babae (paglilinaw).
Thumb
Katotohanan, 1870, ni Jules Joseph Lefebvre.
Thumb
Ang simbolo para sa planetang Venus ay ginagamit ding tanda para sa mga kababaihan, tao man o hayop.
Thumb
Mga bahagi (sa harapan) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. buhok, 2. kilay, 3. mata, 4. ilong, 5. tainga, 6. bibig, 7. baba, 8. leeg, 9. balikat, 10. lugar ng dayapram, 11. dibdib, 12. suso, 13. utong, 14. braso, 15. balakang, 16. tiyan, 17. siko, 18. puson, 19. singit, 20. bulbol, 21. kasukasuan, 22. puke, 23. kamay, 24. hita, 25. mga daliri, 26. tuhod, 27. lulod, 28. bukung-bukong, at 29. paa at mga daliri
Thumb
Mga bahagi (sa likuran) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. ulo, 2. buhok, 3. leeg, 4. balikat, 5. likod, 6. kili-kili , 7. braso, 8. gulugod, 9. balakang, 10. siko, 11. pigi, 12. puwit, 13. kamay, 14. mga daliri, 15. hita, 16. alak-alakan, 17. binti, 18. bukung-bukong, 19. paa, at 20. mga daliri at talampakan.

Ang salitang "babae" sa kasarian ng tao ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa lahat ng gulang. Ang isang babaeng nasa hustong gulang ay tinatawag na binibini, o dalaga [kung wala pang asawa]. Kung ang babae naman ay bata pa o hindi pa nasa tamang gulang, siya ay tinatawag na batang babae (girl). Samantala, ang isang babaeng may katandaan na ay tinatawag na ginang o gining bilang paggalang.[5][6] Tinatawag na kababaihan/kababayihan (Ingles: womankind, womanhood o female sectors)[7] ang kalipunan o kabuuan ng mga babae.

Kabilang sa ibang katawagan sa babae ang mga salitang balbal na bebot at egat. Tinatawag namang ali o ale ang babae kung may paggalang sa isang hindi nakikilalang babae, bagaman ginagamit ang aling sa pagtawag na may paggalang sa isang kilala nang tao sapagkat katumbas ito ng mis (Ingles:Miss) at misis (Ingles:Mrs.).[8] Dalaga (mula sa Sanskrito: दारिका [dārikā]) naman ang tawag sa isang babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.[9]

Remove ads

Etimolohiya at lingguwistika

Ang salitang Tagalog "babae" (ᜊᜊᜁ) na binibigkas din bilang "babai," ay may iba pang anyong diyalektal tulad ng "babayi"/"babaye"(ᜊᜊᜌᜒ) (karaniwang ginagamit sa Timog Katagalugan). Ang salitang ito ay sinasabing nag-ugat sa Proto-Malayo-Polinesyo "ba-bahi", na nag-ugat naman sa Proto-Austronesyo "ba-bahi".

Paggamit

Isa sa mga katangian ng wikang Tagalog ay ang kawalan ng gramatikal na kasarian. Hindi tulad ng ibang wika tulad ng Ingles o Espanyol na gumagamit ng mga markang gramatikal (tulad ng "he/she" o "el/la") upang ipahiwatig ang kasarian ng mga pangngalan at panghalip, ang Tagalog ay walang kasarian sa gramatikal na sistema nito. Ang mga pangngalan (tulad ng "aso," "kapatid," "asawa") at panghalip (tulad ng "siya," "kanya") ay neutral at hindi nagbabago batay sa kasarian ng tinutukoy. Sa halip, upang matukoy ang likas na kasarian ng isang tao o iba pang organismo, ginagamit ang mga deskriptibong salitang "lalaki" o "babae."

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads