New Caledonia

From Wikipedia, the free encyclopedia

New Caledonia
Remove ads

Ang Bagong Kaledonya (Ingles: New Caledonia)(Pranses: Nouvelle-Calédonie)[5] ay isang special collectivity ng Pransiya na matatagpuan sa timog-kanluran ng Karagatang Pasipiko, 1,210 km (750 mi) sa silangan ng Australia at 16,136 km (10,026 mi) sa silangan ng Kalakhang Pransiya.[6] Ang kapuluan na binubuo ng pangunahing-pulo ng Grande Terre, at mga kapuluan ng Loyalty, Chesterfield, Belep, ang Isle of Pines, at ilang pang malalayong pulo, ay bahagi ng rehiyon ng Melanesia.[7] Ang Mga Isla ng Chesterfield ay matatagpuan sa Dagat Koral. Ang tinatawag sa mga taal sa lugar ng Grande Terre ay "Le Caillou" ("ang bató").[8]

Agarang impormasyon Nouvelle-Calédonie, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...

May lawak na 18,576 km2 (7,172 mi2) ang Bagong Kaledonya. Ang populasyon nito ay 256,000, at binubuo ito ng halo ng mga Kanak (katutubo ng New Caledonia), mga may lahing Europeo (Caldoche at Kalakhang Pranses), mga Polynesian (karamihan mga taga-Wallis and Futuna), at Timog-Silanganing Asyano, at mangilan-ngilan ding mga tagatubong Algeria. Ang kabisera ng teritoryo ay Nouméa.[2][6]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads