New York
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang New York ay isang estado sa hilagang-silangang bahagi ng Estados Unidos. Minsan itong tinatawag na Estado ng New York kung kinakailangang itangi mula sa Lungsod ng New York. Dahilan sa malaking populasyon na katimugang bahagi ng estado, sa may Lungsod ng New York, ito ay hinati sa dalawang bahagi na tinatawag ng Upstate at Downstate. Ang Bagong York ay ang tirahan ng tanyag na Pulong Ellis.
- Daglat postal: NY
Remove ads
Mga lungsod
May animnapu't-dalawang (62) mga lungsod ang estado ng New York. Ang pinakamalaking lungsod sa estado at gayundin pinakamataong lungsod sa Estados Unidos ay ang Lungsod ng New York, na binubuo ng limang mga kondado na may kaparehong mga hangganan sa kani-kanilang mga boro (borough): Bronx, Kondado ng New York (Manhattan), Queens, Kondado ng Kings (Brooklyn), at Kondado ng Richmond (Pulo ng Staten). Tahanan ang Lungsod ng New York sa higit sa dalawa sa dalawang kalima ng populasyon ng estado. Ang kabisera ng estado, Albany, ay ang pang-anim na pinakamalaking lungsod sa estado ng New York. Ang pinakamaliit na lungsod ay Sherrill, New York, sa Kondado ng Oneida. Ang Hempstead, na matatagpuan sa Long Island, ay ang pinakamataong bayan sa estado; kung ito ay isang lungsod, ito ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa estado na may 700,000 katao.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads