Biyelorusya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Biyelorusya (Biyeloruso: Беларусь, tr. Bielaruś), opisyal na Republika ng Belarus, ay bansang walang pampang sa Silangang Europa. Hinahangganan ito ng Rusya sa silanga't hilagang-silangan, Litwanya at Letonya sa hilagang-kanluran, Polonya sa kanluran, at Ukranya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 207,595 km2 at tinitirhan ng halos 9.1 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Minsk.
Sa pagitan ng panahong medievo at ika-20 siglo, pinamahalaan ang lupain ng kung ano ngayo'y tinatawag na Belarus ng mga banyagang estado, kabilang ang Rus ng Kyiv, Prinsipalidad of Polatsk, Dukadong Maringal ng Litwanya, Mankomunidad ng Dalawang Bansa, at Imperyong Ruso. Matapos ang Himagsikang Ruso ng 1917, nalikha ang Demokratikong Republika ngunit agad na ineksilya ng mga Bolshebista, na nagtagumpay sa naganap sa digmaang sibil sa dating imperyo at bumuo ng Republikang Sosyalistang Sobyetiko sa bansa. Naging republikang konstituyente at pundador ito ng URSS. Nawala ang halos kalahati ng teritoryong hawak ng Biyelorusya sa pagtatapos ng Digmaang Polako–Sobyetiko. Karamihan sa mga makabagong hangganan nito ay nabuo noong 1939, nang naibalik ang iilan sa lupa ng Ikalawang Republikang Polako nang sinakalakay ng mga Sobyetiko ang Polonya sa ilalim ng Paktong Ribbentrop-Molotov. Sinalanta ng mga operasyong militar ang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang nawala ang halos isang-kapat ng populasyon at kalahati ng mapagkukunang pang-ekonomiya nito. Sinakop ng Alemanyang Nazi ang Biyelorusya noong 1941, na gumawa ng malawak na insurhenteng kilusang anti-pasista sa bansa. Pinamunuan ng kilusan ang politika nito hanggang sa dekada 1970, kung saan trinansisyon nito ang ekonomiyang agraryo nito sa industriya. Prinoklama ng parlamento ang soberanya ng bansa noong Hulyo 1990, at nagdeklara ang Biyelorusya ng kasarinlan noong Agosto 1991. Ang estado ay lubhang nagdusa mula sa patakaran ng Rusipikasyon.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads