Aklat ng mga Bilang

ikaapat libro ng Biblya, kompuwesto ng 36 kabanatas From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang[1] ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Remove ads

Pamagat

Karagdagang impormasyon Lumang Tipan ng Bibliya ...

Ginamit ang "Mga Bilang" bilang titulo ng aklat sapagkat naglalaman ito ng "dalawang pagbibilang o pagtatala" na ginawa sa bayan ng mga Israelita, na matatagpuan sa umpisa at sa pagtatapos ng paglalakbay nila sa ilang, sa kabanata 1 at 26.[1]

Remove ads

Mga bahagi

Binubuo ng tatlong hati ang Aklat ng Mga Bilang:

  • Paghahanda sa Pag-alis sa Sinai (1, 1-10, 10)
  • Mula sa Sinai hanggang sa mga Kapatagan ng Moab (10, 11-22, 1)
  • Sa mga Kapatagan ng Moab (22, 2-36, 13)

Kaugnayan sa Bagong Tipan

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, may ilang mga kaganapan mula sa Mga Bilang na nabanggit si Hesukristo at maging ng kaniyang mga alagad: halimbawa na ang hinggil sa tansong ahas sa Ikatlong Sulat ni Juan (Jn 3, 14k), ang paghihimagsik ni Core sa 1 Corinto (1 Cor 10, 10), mga panghuhula ni Balam sa 2 Pedro (2 Ped, 15k), at ang pagbagsak ng tubig sa bato sa 1 Corinto (1 Cor 10, 4).[1]

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads