Blackwater Bossing
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Blackwater Bossing ay isang propesyonal na koponan ng basketbol na kasapi sa Philippine Basketball Association. Ang koponan ay pinagmamay-ari ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. Nagsimula ang prangkisang ito bilang isa sa mga unang koponan na naging kasapi ng PBA Developmental League. Ito ay nailipat sa PBA simula noong Panahong PBA 2014–15 bilang isang panibagong koponan. Ang koponan ay ipinangalan sa isang uri ng pabangong panlalaki ng Ever Bilena.
Remove ads
Kasaysayan
PBA D-League
Ang Blackwater ay isa sa mga unang koponan ng PBA Developmental League (PBA D-League). Nanalo ito ng isang kampiyonato, ang 2013 PBA D-League Foundation Cup. Bago sumali ang Blackwater sa PBA, ang koponan na ito ay sumali rin sa dating Philippine Basketball League, kung saan ay nakilala sila bilang "Blu Detergent"[1] sa Philippine Basketball League (PBL), kilala bilang unang Pilipinong koponan na pinaglaruan ni Asi Taulava.[2]
Paglipat sa PBA, pag-aplay ng bagong prangkisa
Noong 10 Abril 2014, ang Ever Bilena Cosmetics, Inc., kasama na rin ang Manila North Tollways Corporation (NLEX Road Warriors) at Columbian Autocar Corporation (Kia Sorento) ay nabigyan ng katuparan ng PBA Board of Governors upang makasali sa liga bilang mga bagong koponan.[3] Ang mga bagong koponan ay lalahok sa isang "dispersal draft" sa Hulyo, na kinabibilangan ng mga manlalaro na hindi pinrotektahan ng sampung koponan ng PBA at mga "free agents".[4] Sila rin ay makakakuha ng pagkakataong makapili sa darating na Pagkalap ng PBA 2014 sa Agosto.[5]
Ang Blackwater at ang NLEX Road Warriors ay ang mga unang prangkisa na nanggaling sa D-Leauge na matagumpay na nakalipat sa PBA.
Remove ads
Mga kasalukuyang manlalaro
Remove ads
Mga tala ng bawat panahon
- Mga tala mula sa Panahong PBA 2019:
*one-game playoffs
**team had the twice-to-beat advantage
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads