Bhutan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Bhutan
Remove ads

Ang Bhutan (Dzongkha: འབྲུག་ཡུལ་, romanisado: Druk Yul), opisyal na Kaharian ng Bhutan, ay bansang walang pampang sa matatagpuan sa Silangang Himalaya ng Timog Asya. Hinahangganan ito ng Tsina sa hilaga at Indiya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 38,394 km2 at tinatahanan ng humigit-kumulang 727,145 mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Timbu.

Agarang impormasyon Kaharian ng Bhutanའབྲུག་རྒྱལ་ཁབ (Dzongkha)Druk Gyal Khap, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...

Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng cypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.

Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.

Thumb
Remove ads

Mga teritoryong pampangasiwaan

  1. Bumthang District
  2. Chukha District
  3. Dagana District
  4. Gasa District
  5. Haa District
  6. Lhuntse District
  7. Mongar District
  8. Paro District
  9. Pemagatshel District
  10. Punakha District
  11. Samdrup Jongkhar District
  12. Samtse District
  13. Sarpang District
  14. Thimphu District
  15. Trashigang District
  16. Trashiyangtse District
  17. Trongsa District
  18. Tsirang District
  19. Wangdue Phodrang District
  20. Zhemgang District

Kawil

Tala

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads