Chiles en nogada

pinalamang poblano na may sarsang krema de-nogales From Wikipedia, the free encyclopedia

Chiles en nogada
Remove ads

Ang chiles en nogada ay isang pagkaing Mehikano na binubuo ng mga siling poblano na pinalamanan ng picadillo (giniling na karne na hinaluan ng mga aromatiko, prutas at pampalasa) na nilagyan ng de-nogales na sarsang krema na tinatawag na nogada, mga buto ng granada at perehil; karaniwang inihahain ito sa temperatura ng silid. Itinuturing nang malawakan na ito ang pambansang ulam ng Mehiko.[1]

Agarang impormasyon Uri, Kurso ...

Karaniwang naglalaman ang picadillo ng mansanas na panochera (manzana panochera), tamis-gatas na peras (pera de leche) at melokotong criollo (durazno criollo). Kadalasan, sinasangkapan ang sarsang krema ng gatas, dobleng krema, sariwang keso, sherry at nogales. Ang mga nogales, na naging hinanguan ng pangalang sarsang nogada (kung saan "punong nogales" sa wikang Kastila ang nogal)[2] ay kinaugaliang mula sa kultibar nogal de Castilla (Kastilang nogales). Kung minsan, maaaring palitan o dagdagan ang nogales ng pekan.

Inihahanda itong putahe sa Gitnang Mehiko tuwing Agosto at sa unang kalahati ng Setyembre tuwing panahon ng prutas na granada.[3] Ang mga kulay nitong putaheluntiang sili, puting sarsa, pulang granadaay mga kulay ng watawat ng Mehiko,[4] at tuwing panahon ng granada ang Araw ng Kalayaan.

Remove ads

Kasaysayan

Mula sa Puebla ang tradisyonal na chile en nogada; may kaugnayan ito sa kalayaan ng Mehiko dahil sinasabing inihanda ito sa unang pagkakataon para sa magiging emperador, Agustín de Iturbide[4] nang dumating siya sa lungsod pagkatapos ng paglagda ng Kasunduan ng Córdoba. Ipinagmamalaki itong putahe ng mga naninirahan sa estado ng Puebla.[5]

Pinaniniwalaan ng ilang Mehikanong mananalaysay na mga Monjas Clarisas ang mga nag-imbento ng pagkaing ito, ngunit inaakala ng iba na ang mga nag-imbento ay mga Madres Contemplativas Agustinas ng kumbento ng Santa Mónica, Puebla.[6][1]

Remove ads

Galeriya

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads