Kasiri
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pamilya ng ibong Phalacrocoracidae (saring Phalacrocorax) ay kinakatawan ng ilang mga 40 mga uri ng mga kasiri, kilala rin bilang mga paharos-kulebra, mga kormoranto, o mga kormorante (Ingles: cormorant, shag)[1]. Ilang iba't ibang mga klasipikasyon ng pamilyang ito ang kamakailang iminungkahi, at pinagtatalunan ang bilang mga sari. Hawig ang anyo ng mga ibong ito sa mga bibi o mga pato.[1] Matatagpuan ang mga kasiri sa buong mundo.[2]
Madilim ang kulay ng nasa edad nang kasiri, na may habang 1 1/2 hanggang 3 mga talampakan, balingkinitang nakabaluktor na tuka, maiikli at matitibay na mga binti, at anyong sapot na mga daliri sa paa. Kalimitang walang balahibo ang supot sa lalamunan nito at hubad din ang mga bahagi ng mukha ngunit maaaring matingkad ang kulay.[2]
Namumuhay ng pangkat-pangkat sa maaalat na mga katubigan ang mga kasiri. Kumakain sila ng mga isda.[2]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads