Ipotesis ng kritikal na panahon

paksa ng isang lumang debate sa larangan ng linggwistiks at language acquisition tungkol sa kalawakan ng kakayahan ng tao na maka-acquire ng isang wika ay bayolohikal na may kinalaman sa edad From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang ipotesis ng kritikal na panahon[1] ay isang ipotesis sa larangan ng lingguwistika at pagtatamo ng pangalawang wika na nagsasaad na ang isang tao ay maaaring makamit ang mala-katutubong katatasan[2] sa isang wika bago umabot sa isang tiyak na edad. Ito ang paksa ng matagal nang pinagdedebatihan sa linggwistika[3] at sa pagtatamo ng wika, kaugnay ng lawak kung saan ang kakayahang matuto ng wika ay biyolohikal na nakaugnay sa mga yugto ng pag-unlad ng utak.[4] Unang iminungkahi ang ipotesis ng kritikal na panahon ng neurologong taga-Montreal na si Wilder Penfield at ng kanyang ko-awtor na si Lamar Roberts sa kanilang aklat noong 1959 na Speech and Brain Mechanisms ("Mga Mekanismo ng Pananalita at Utak"),[5] at lalo itong pinasikat ni Eric Lenneberg noong 1967 sa pamamagitan ng Biological Foundations of Language ("Mga Biyolohikal na Pundasyon ng Wika").[6]

Ayon sa ipotesis ng kritikal na panahon, ang unang ilang taon ng buhay ang itinuturing na kritikal na yugto kung kailan maaaring matuto ng pangunahing wika ang isang indibidwal basta’t may sapat na pampasigla, at ang pagtamo ng katutubong wika ay nakasalalay sa neuroplastisidad ng utak. Kung hindi matatanggap ng isang indibidwal ang input sa wika bago matapos ang panahong ito, hinding-hindi niya makakamit ang ganap na kasanayan sa wika.[6] May maraming debate hinggil sa takdang panahon ng kritikal na yugto sa konteksto ng pagkakatuto ng pangalawang wika (SLA), na may mga pagtatayang nasa pagitan ng edad 2 hanggang 13.[7][8]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads